Menu:

Ang Pagsisimula ng Nakaatang na Tungkulin

Ang Buhay ng Lungsod

Picture
Bago dumating ang araw ng pagpapahayag o tinatawag na TURN OVER ay binigyang prayoridad ni Mayor Reynaldo San Pedro ang problema sa trapiko. Kaya't inilunsad niya ang isang Training/Seminar/Orientation para sa mga Traffic Enforcer na ipupwesto niya sa mga panulukang lansangan.

Binigyan ni Mayor Rey San Pedro ng sapat na kaalaman patungkol sa City Ordinance No. 2007 - 91 -03 na nagpapahayag tulad ng:

           "AN ORDINANCE ENACTING THE LAND TRANSPORTATION AND TRAFFIC CODE OF 2006 IN THE CITY OF SAN JOSE DEL MONTE, BULACAN."

Na naaayon din sa Land Transportation Office REPUBLIC ACT. 4136 at DOTC Department Order No. 93 - 693.

Isa na dito ang pagkuha ng magagaling na Instructor mula sa Metropolitan Manila Development Authority o kilala sa tawag na MMDA. Halos mga Hepe ng nasabing Tanggapan ang nagsagawa ng Seminar/Training/Orientation na nagmula pa sa Engineering at Education Department ng MMDA.




ANG PAGSASANAY SA TAMANG PAGLILINGKOD

June 16, 2010 - June 22, 2010

Mula alas-singko ng umaga ay tinuruan na ng tamang disiplina ang mga piling Traffic Enforcer upang ihanda sa pitong araw na pagsasanay. Isang Lingong pag-aaal at pakikinig sa mga Hepe ng iba't ibang Division ng MMDA.  Ang Engineering at Education Department ang nagbigay ng Basic Course ng Traffic Management.

Halos nagkaroon ng pagkakaisa at lalo pang pagkakilala ang isat-isa sa loob ng mga araw nang kanilang pagsasama sa pag-uugali at kaalaman, maging sa mga pagdedesisyon. Hindi naging madali ang pagsasanay lalo pa at madaling araw palang ay nagsisimula nang magbanat ng buto ang mga magigiting na Traffic Enforcer. Sa loob ng dalawang oras na pageehersisyo mula alas-singko ng umaga hanggang alas-syete ng umaga, susundan naman ito ng dibdibang pag-aaral mula alas-otso ng umaga hanggang alas-singko ng hapon.

Sa loob ng pitong araw na pag-aaral at ehersisyo ay mas higit na nagkaroon ng improvement ang mga Traffic Enforcer sapagkat sumigla ang katawan at naging sariwang muli ang kanilang mga pag-iisip patungkol sa Batas Trapiko.

VICE-GOVERNOR DANIEL FERNANDO
Dinalaw ang mga Traffic Enforcer sa huling araw ng kanilang Training -

Picture
June 21, 2010

Huling araw ng pag-aaral ng mga Traffic Enforcer ng biglang may isang surpresang panauhin na bumisita sa kanila.

Ang Vice-Governor Daniel Fernando ng Lalawigan ng Bulacan. Sa hindi inaasahang pagbisita sa mga Traffic Enforcer. At talaga nga namang pati mga magigiting nating mga T.E. ay nakuha pang magpa-autograph kay Vice Governor!!! (iba na talaga ang magandang lalaki Vice Gov!!!)

Nagbigay ng ilang pananalita na nagbibilin sa mga T.E. na huwag nilang kalilimutang magdasal bago pumasok sa kanilang mga duty sapagkat hindi biro ang kanilang pwesto sa gitna ng kalsada. Tinagubilinan din ni Vice-Governor Elect Daniel Fernando na manatiling tapat sa paglilingkod sa kanilang mga tungkulin. Matapos ang ilang pananalita ay umalis din kaagad ang nasabing Bise-Gobernador ng Lalawigan ng Bulacan. (Mayshooting pa raw po kasi si Vice Gov. sa Quiapo... hehehehe... sama ako jan sir!!!)

WHAHAHAHA!!! MGA LALAKING NAGPA-AUTOGRAGPH HULI SA AKTO!!!

Picture
Isang senaryo na kakatuwa dahil pati mga lalaki ay nababakla?

Ayan Ser kitang-kita sa kagwapuhan ni Vice Governor may pumipila;
Pero ang di ko lubos maisip at ako po ay takang-taka
Tila yata hindi mga Chika Babes sa kanya ay nagpapapirma
Kundi mga T.E. na mga lalaking nag-uunahan at natataranta
Sa paglapit kay Vice Governor ay nag-aagawan pa!!!

Hala!!! Mayor... tanong lang po... hehehehehehe...

HINDI PO KAYA NAGKAMALI KAYO NG MGA NAKUHA?

Ito yung mga tinatawag pong mga CHICKBOY...

pang CHICKS na... hahahahahaha!!! Pang BOY pa!!!