Menu:

Picture

City News Update


Philippines' New Tax Chief: To Up Tax Revenue To 15% Of GDP Vs 13%

Picture
MANILA -(Dow Jones)- The new head of the Bureau of Internal Revenue, the Philippines' main tax agency, said Thursday the government's goal is to increase tax revenue to 15% of gross domestic product from the current 13% within a year, without imposing new taxes.

Commissioner Kim Henares, who with other finance officials witnessed Finance Secretary Cesar Purisima taking office, said President Benigno Aquino III has called for charges to be filed against tax evaders to ensure taxpayers meet their obligations.

"We want to level the playing field for those who are following the law. We don't want to keep on imposing taxes," she said.

Henares said the tax agency expects to improve the so-called tax effort, or tax collection as a percentage of GDP, "within a year's time."


FLYING V ROLLBACK

Picture
Nagpatupad ng rollback sa presyo ng kanilang produktong petrolyo ang Flying V.
Inanunsiyo ng Flying V ang 75¢ kada litrong rollback sa presyo ng kanilang diesel at kerosene habang 50¢ naman sa gasolina.

Epektibo ito alas-12:01 ng hatinggabi.

Dulot pa rin umano ito ng pagbaba ng presyo ng langis sa world market.

Noong nakaraang linggo ay nagpatupad ng 25¢ kada litrong rollback sa presyo ng gasolina ang mga oil companies habang nagpatupad naman ng 50¢ dagdag sa presyo ng diesel at kerosene.


SEX EDUCATION MALABO PA SA DepEd

Hindi lamang mga batikos ang tinatanggap ngayon ni Bro. Armin Luistro, bagong kalihim ng Department of Education (DepEd), sa ginawa nitong pagtataray sa media ukol sa sex education kundi tumatanggap na rin ito ng mga ‘unsolicited advice’ para maging epektibo sa kanyang tungkulin.

Ayon kay dating Akbayan partylist Rep. Risa Hontiveros na patuloy na nangangampanya para sa sex education sa pribadong sektor, kailangan ni Luistro ang media sa lahat ng bagay.

“Sana ‘di magtaray si DepEd secretary sa sex education. Dapat lang na magtanong ang media dahil isyu ng kaalaman at oryentasyon ng ating mga estudyante ang sex education,” ani Hontiveros.

Kailangan aniyang tandaan ni Luistro na malaki ang naitutulong ng media sa mga programa ng gobyerno kaya sa halip na tarayan niya ang mga ito ay maki­pagtulungan na lamang.

BALITANG KATAKA-TAKA!!!

Picture
Dahil sa napabayaang kandila ay natupok ang buong kabahayan ng isang opisyal ng Bureau of Fire Protection (BFP) kahapon ng madaling-araw sa lalawigan ng Sorsogon.

Sa nakalap na impormasyon mula sa Police Regional Office V, dakong alas-4:30 ng mada­ling-araw nang tupukin ng apoy ang bahay ni Leopoldo Cariño y Tiu, residente ng Barangay South Poblacion sa bayan ng Juban.

Bagama’t walang nasu­gatan o nasaktan sa nasa­bing sunog ay halos walang natira sa buong kabahayan dahil sa bilis ng pagkalat ng apoy at wala nang nagawa ang mga kasamahan nitong bumbero.


Tinatayang nasa P1.1 milyon ang kabuuang pinsala ng naturang sunog sa bahay ng BFP personnel.


Mga PUJ Drivers Lagot kayo ngayon sa Batas Trapiko!

Picture
Matapos umani ng suporta ang anti-wangwang campaign na sinimulan ni Pangulong Noynoy ‘P-Noy’ Aquino III, kaila­ngang isunod na ng mga otoridad ang pagwalis sa mga abusadong jeepney at bus drivers na isa sa mga dahilan kung bakit lumalala ang problema sa trapiko sa Metro Manila.

Sa panayam kahapon, inamin ni Valenzuela Rep. Magtanggol Gunigundo na mayroon sirena ang kanyang sasakyan subalit agad umano nitong binaklas ang nasabing gadgets bilang suporta sa kampanya ni Aquino.

Gayunpaman, sinabi ng kongresista na hindi mareresolbahan ang problema sa trapiko sa pamamagitan lamang ng pagbabawal sa paggamit ng sirena o wangwang.

“Kailangang pasunurin ang lahat para ma-solve ang problema sa mga kalsada. Simulan na rin ang kampanya sa mga PUJ (Public Utility Jeep) at PUB (Public Utility Bus) na walang pakialam sa mga kapwa motorist makapagsakay lang,” ani Gunigundo.