Menu:

HON. REYNALDO SAN PEDRO

Picture
Isang mainit na pagbati ang aming ipinaaabot sa ating Bagong Halal na Punong Lungsod MAYOR REYNALDO SAN PEDRO at Ikalawang Punong Lungsod VICE MAYOR EDUARDO V. ROQUERO JR.

June 30, 2010, ng ipahayag sa publiko sa lungsod ng Malolos Bulacan ang ating Bagong Halal na  Punong Lungsod at pangalawang Punong Lungsod ng San Jose Del Monte, Bulacan. Marami ang nakiisa sa pagdiriwang upang saksihan ang pagpapahayag ng dalawang Lingkod ng Bayan.

July 01, 2010, isang pagtitipon at programa ang inihanda sa San Jose covered court upang ipagdiwang ang pagkakaluklok sa unang araw ng kanilang paglilingkod, Mayor Reynaldo San Pedro at Vice Mayor Eduardo Roquero Jr. Kabilang ang Organisasyon at Kapatiran ng POLICE HOTLINE MOVEMENT INC. sa pangunguna ni Chairman Haji Marjan upang ipadama ang kagalakan sa pagkakahalal ng ating mga bagong Pinunong Lungsod.

Marami ring nakiisa at sumaksi sa pagdiriwang na ito upang ipaabot ang mainit na pagtanggap at pagmamahal sa ating bagong halal na Mayor at ang kanyang Vice Mayor.

Kaisa ng buong bayan at mamamayan ng Lungsod ng San Jose Del Monte, kami ay taos - pusong bumabati sa inyo MAYOR REYNALDO SAN PEDRO at VICE MAYOR EDUARDO ROQUERO JR.


Mabuhay po kayo!!!
Mabuhay ang San Joseño!!!

Sumaatin ang Pagpapala at Basbas ng Nag--iisang Diyos na Makapangyarihan!